Monday, October 20, 2008

Once Upon a Friendster

Ilang taon na din ang nakaraan simula ng mawili ako sa Friendster. Pano ba namang hindi? Sa Friendster na lang ako nakakakuha ng balita sa mga kakilala at kaibigan kong hindi ko na nakikita at malamang ay hindi ko na makikita pa muli.

O sige na nga... chismosa na ako.

Subalit sa paglipas ng panahon, medyo matagal kong nakalimutan ang Friendster. Bawal kasi ito sa mga naging opisina ko. Kahit naman dito. Kung maitatanong nyo kung paano ako nakakapag-Friendster ngayon... sabihin na lang natin na magaling kasi ang mga ka-opisina ko ngayon.

Palibhasa ay Lunes ngayon, likas na nakakatamad magbalik-trabaho pagkatapos ng dalawang araw na bakasyon. Idagdag mo pa na wala ang boss ko, at mamaya pang alas singko ang pagtitipon namin, sinubukan kong buksan ulit ang Friendster at tingnan kung ano na ba ang mga nagbago sa aking limang daan syamnapu't apat na ka-Friendsters. Ang mga ito ay ilan lamang sa aking mga napansin.

1. Sa unang tingin ay hindi ko na makilala ang karamihan sa inyo hindi dahil nag-iba ang itsura nyo kung hindi puro litrato ng sanggol ang nasa profile nyo. Matatanda na nga yata tayo dahil karamihan sa aking mga kakilala ay nagsipag-asawa at may mga anak na.

2. Sa unang tingin ay hindi ko na makilala ang iba sa inyo dahil parang nag-iba yata ang pangalan nyo. O maaring nagkaroon lang siguro kayo ng alyas. Samantalang ako, Kinder pa lang ay Janelle na. Hanggang ngayon, Janelle pa din. Apelyido lang ang nabago. Pero ok lang, pag nakita ko na ang mga litrato nyo, naaalala ko pa naman kayo.

3. Sa unang tingin ay hindi ko makilala ang iba sa inyo dahil... sa madami pang tingin, napagtanto ko na mukhang hindi ko talaga kayo kilala. Inalis ko na sa aking listahan ang mga iyon. Sa lahat ng aking limang daan syampnapu't apat na natitirang ka-Friendsters, kilala ko pa kayo lahat.

At sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Yun lang po


*also posted on Friendster Blogs

Friday, October 10, 2008

The Circle of Influence

Being a constant worrier, I remember someone told me once about the Circle of Influence. This is an article I found about the subject.


Though this article discusses the Circle in terms of it's application in Project Management, I think the concept can be used in our daily lives.

Focus on Things You can Control